Saturday, June 23, 2012

Kuwentong Walang Pamagat (narinig ko lang sa barbershop)


 Before lunch…

“1885!!!”, ang lakas ng sigaw.

“Yan ang numero natin, tatlumpong minuto lang po!!!”

Tumigil ang mga turnilyo’t bakal, tumigil ang haplos ng hangin, tumigil ang paiba-iba at papalit-palit na tanawin, tumigil ang musmos na pag-iyak, tumigil ang novenang paghilik ng nahimbing na pasahero. Tumigil na lahat - pati ang mumunting minuto sa bawat oras, ang mga sandali sa bawat araw, ang mga lunes at martes sa bawat linggo, at tila kasabay na tumigil yata ang pag-ikot ng aking mundo?

I am coming home.

Ilang sandali pa’y bumalik ang kundoktor at natigil narin sa paglipas ng tatlumpong minuto sa estasyon. Buhay na muli ang mga lulang sari-buhay ng bus1885. Umiyak ulit ang bata ewan ko kung nahihilo o naiinitan. May babaeng kumakain ng chippy, ewan ko kung nahihilo sa gutom. May binatilyong nakikinig sa iPod, ewan ko kung nahihilo o nagyayabang. At sa kapirasong upuan ako’y tahimik at luhaan, hindi nahihilo pero labis na nalulungkot.

I am coming home to bury - my mother.

Sa luntiang kalawakan ako malayong nakatingin mula sa kalahating pinid na bintana ng bus para itago ang mga namumugto kong mata. Ang bigat ng aking damandamin at hindi ko magawang tumigil sa pag-luha sa loob ng tatlumpong minutong panandaliang paghimpil ng bus. Naalala ko ang mga sandali sa piling ng aking ina. Umaga ng huwebes ang huling sulyap niya sa liwanag at ako ang nautusan para umuwi at ayusin ang kanyang huling himlayan. Kahapon hindi ko pa lubosang maramdaman ang hapdi ng kanyang paglisan kayat heto ako sa bus - binubuhos sa bawat kilometro ang lungkot at pangungulila sa nag-iisang nilalang na tanggap ang aking tunay na pagkatao; ang aking pagiging isang bakla.

I am coming home to bury my mother - my only butterfly.

Nakasandal ako sa salaming namamagitan sa aking kalungkotan at sa tuwang handog ng tanawin sa labas. Malamig ang simoy ng hangin, ikalawang linggo na kasi ng Hunyo. Spring awakening ika nga, lahat ay tila nabuhay na muli sa unang pagbuhos ng ulan pagkatapos ng kalbaryong init na dulot ng cuaresma. Tulad ng mga pasahero ng 1885 na nabuhay muli pagkatapos ng tatlumpong minuto pagtigil - sandaling aliw na dulot ay sandaling ligaya. Ayoko sanang umuwi para lang ipaghanda ang pagbabalik ng matamis na ala-alang hindi na muling magbabalik - ang larawan ng aking ina.

Sa blankong titig ko sa kawalan ay hindi ko namamalayan na may tuwinang nag-aabang ng bawat pagpatak ng aking luha. Matt daw ang kanyang pangalan, at uuwi rin siya para sa buwanang allowance mula sa kanyang ina. Buti pa siya, may nanay pang uuwian.

“Tissue o…” yan ang unang mag-asawang kataga na narinig ko mula kay Matt sa araw ng aming di inaasahang sabay na paglalakbay.

What has returned will never come back again…




Spit Shake

Daan-daang libong hininga ang lumipas at wala na ang mga mag-sasakang nadaanan ng huling mabagal na parada para aking ina. May ginintuang pagyoko na ang mga palayan na muli’t muli ay ninanakawan ng halik ng mga puting tagak sa tuwing may makitang maagang tanghalian. Si kuya Abel ay abala sa pagayos ng kanyang buntis na maleta.

“We have to move on Miguel and you have to breathe again” yan ang sinabi niya sa akin habang nakaamba ako sa may bintana at nag-aabang ng dumadaan at mga daraan. Paboritong pwesto kasi yun ni mommy. Nangangarap na baka sakaling maramdaman ko muli na tila mainit pa ang silyang dati niyang inuupuan. Naglaho na ang mga pabaong ngiti at pangungumusta ng mga taong dumaan at mga daraan. Marahil nagtataka sila bakit ibang mukha na ang pumalit. Bakit mukha ng taong nawalan at nawawala.

“… you have to breathe again Miguel!” parang echo na umuugong sa aking pandinig. Tama nga naman si kuya Abel, I have to breathe again. And I should not let death scare the life out of me, because in between every breath is warmed over silence - sandaling kamatayan din yun diba?

After lunch…

Si Coji agad ang aking tinawagan sa unang oras ng aking pagbalik sa Maynila. Bespren ko siya e.

“Pare, tama na yang drama. Isipin mo, may welcoming party kana sa langit” pabirong sambit niya.
“Sige ‘tol, kita nalang tayo bukas sa may tulis before lunch.” sagot ko sa kanya. Alam kong bakla ako kasi di ako komportabling tawagin siyang “pare”. Pero diko sigurado kung pansin ni Coji yun. Malamang alam niya pero di lang siya nagtatanong at nagtataka - ganun ang mga bespren e.

Before lunch…

Sa may tulis sa ilalim ng pulaang firetree ako nag-antay. Isang napalakas na haplos ng hangin at napahiyang bumagsak ang mga naulilang bulaklak ng firetree sa mismong tapat ng aking kinauupuan. Parang mga mumunting tala na bumababa at may dalang pulaang halik. Bigla ko na namang naalala si Mommy, mahilig kasi yun sa pulang lipstick. Rouge ang paborito niyang kulay at kailangan YSL ang tatak lagi. Yun din ang pinahid sa pulang bibig niyang namatayan ng mga ngiti. Oo alam ko yun, bakla ako e.

Tanaw ko sa malayo pero papalapit ang aking bespren. Hawak ang mga plates at isang dilaw na plastik cup.
“Pareeee!” yun lang ang unang sigaw ni Coji ng makita niyang may lungkot parin ang aking mga mata. Di niya siguro alam kung paano at ano ang dapat niyang sabihin.
“Break tayo sa buko shake, ito o” inabot niya sakin
“Nalawayan ko na yan, pero dun worry pare, if you have HIV, I have AIDS!” palabiro talaga siya. Pero cool siyang kasama, mayaman siya lagi sa halakhak. Di ako makatangi kasi mapapahiya siya, tska bespren ko siya e.
“Spit shake yan at kapag nalawayan kita, brothers in art na tayo forever!” sabay tawa.
“Salamat ‘tol…and I’m back!” kunyaring sigaw ng kunyaring kaligayahan.
“Yeah!…that’s the attitude pare”.

Kuwentuhan na sumasabay sa bawat yapak namin papuntang Bartlett Hall. Kulay berde ang buong paligid at parang nakayukong bumabati ang mga puno sa aking muling pagbabalik.

And indeed it was a perfect moment to breathe again.

….and again - breathe.




Roberto Superstar

“Do what you do best!”

Parang inumagang alarm clock yan lagi mula sa aking kuya Abel sa bawat puyat na weekend. He owns a little flowershop - the Perfumed Garden, where I moonlight as a delivery boy almost every weekend of every year. Just when I have something coming up, there he comes with his one liner - my weekend perfumed nightmare.

“Hatid mo yan doon sa dati, sa Cenacle Drive. Pronto Miguel, they need that for Sunday lunch.”
“Ngayon na? dipa ako naliligo e.” baka sakaling makalusot.
“Hindi bukas! …kailangan nila yan kahapon pa.” with just the right amount of sarcasm to make me miss my caffeine rush - and that’s my own version of Pinoy Big Brother!

Si kuya Abel ang kidlat na nakamamatay at ako naman ang kulog na kasunod na puro lang ingay. Re-active daw ako, puro reklamo.

Silently on top of the dining table sits a perfumed arrangement beautifully waiting. Calla lilies, gerber daisies, hydrandhias and sprigs of baby’s breath shared a beribboned faux alabaster urn. Sa malayo para siyang multi-colored pinata kung titignan, pero sa malapitan, para silang mga mayuming binibini na nagtsitsismisan sa isang duyang palayok. Favourite flower ko ang calla lily, sensual kasi ang hitsura. Favourite din yan ni Georgia O’Keffe, Diego Rivera at ni Robert Mapplethorpe na subject. Tsaka parang yan din ang favourite yata ng mga santo at santa, kasi nakikita ko laging yan ang tanging bulaklak na hawak ng mga imahen sa simbahan. So everybody’s favourite flower is my favourite too. At yan din ang nilagay namin on top my mom’s casket.

“Punta nako diyan!”
“Magagalit si kuya kaya bilisan mo.”
“Sisimplehan ko lang yung bat mobile at kikidlatin ko yan!” tela lasing pang sambit ni Coji.

Lahat yata sila ay may taglay na kidlat at ako ay tanging kulog lamang. Ako lang ang walang palayaw. Ako lang ang kaliwete. Ako lang laging naiiba. Minsan tuloy naisip ko kung ako lang ba ang ganito?

“Pare!!!”, ang ingay.
“Ops! Good morning kuya A!”
“Go eat breakfast with Miguel, may delivery kayo sa Cenacle” yan ang introduction ni kuya kay Coji.

Nakaporma si kulokoy, bago yata suot niyang H&M top.

“O ‘kala ko casual weekend ngayon?” may ngiti kong pagtataka.
“Diba yung sa Cenacle yung may chick na tega B.A?”
“I see, so that explains the outfit huh?”
“Rite on Miguel!”, so talagang ako lang ang walang nickname.

Mr.Quickie value meal ang tawag namin ni Coji sa breakfast na tapa na kasing tigas ng leather shoes.

“Gumimick ka kagabi ano? Tulog ako agad paguwi ko e”
“Slight, pero sa bahay lang. Remember Roberto Superstar yung brad ko sa eng‘? Pumunta siya sa bahay kaya yun.” Si Roberto Superstar ay kafrat ni Coji na palaging suot yung tshirt niyang may print na mukha ni Nora Aunor from the 70’s, tapos may mole din siya tulad ni superstar.

“That’s enough, go run boys!” napadaang salita ni kuya Abel. Naexcite si Coji agad and left his mr.quickie meal untouched.

Before lunch…

The property is not gated so we went straight to the front door that looks a lot like its English cousin on #10 Downing Street. Ako nagbitbit ng arrangement kasi excited si Coji na makita yung chick. Pindot siya ng doorbell agad. Bumukas pero mukhang ghost of Christmas past si kulokoy bigla - it’s not the princess but it’s the son, Bobby. Sumunod kami sa kanya to a pathway going outside the house into a beautiful garden. Al fresco pala ang Sunday lunch nila. Ang guapo ni Bobby and I can smell his perfume na amoy bagong paligo. Contrasting smell from the perfumed arrangement I am holding.

Ang daming Roberts sa mundo - si Roberto Superstar, yung mga professors naming si Roberto Feleo, si Roberto Chavet, si Robert Achacoso, yung mga artists si Robert Mapplethorpe, si Robert Ryman, si Robert Rauschenberg, si Roberto Rosellini, si Roberto Cavali, si Robert Downey, sama mo narin si Roberta Flack at ang gwapong si Bobby. Ang dami nila pero bakit iisa lang yata ang Miguel? Si Miguel na amoy kahapon. Si Miguel na naka casual weekend at si Miguel na tiga-deliver ng bulaklak.

And finally, on a long narrow table outside a beautiful garden rests the perfumed arrangement silently…alone again.




Headfake

What’s lost is not forever gone…

Ayan na muli ang mga langay-langayan na galing sa kung saan, siguro‘y maginaw na sa kabilang dulo ng mundo. Malamang buntis narin ng ginintuang alay ang mga palayan sa may amin, at siguro’y nagbalik na ang mga mag-sasaka. Nalagas narin ang mga mainit na bulaklak ng firetrees, siguro hitik na ng mga gutom na uod ang mga dahon nila. At tila ang pait na ng lasa ng malamig na beer, siguro’y napawi na ang kalungkutang pinagtatakpan. Pero kailangan ko bang lumimot kapag nawala na ang lungkot?

Mag-isa akong tumatakbo sa oval, 10K ang target ko. 2.2K ang kabuan ng oval kaya lima dapat. Dapat lima na walang tigil sa paikot-ikot para makuha ko ang tamang pacing at oras.
    
Uy! Tumutunog ang carillion at “Let it Be” ang piyesa. Cool! Beatles kung Beatles - ol‘skol amats toits. Tila hinahabol ako ng takipsilim pag lagpas ko sa may oble, so ibig sabihin mag-aala sais na ng dapit-hapon. Hindi na ako natatakot na habulin ng dilim, bagkos binilisan ko pa para sabayan ang mga liwanag sa mga posteng tila sundalong nakatayo sa gilid ng oval. Naka isang ikot na’ko, pero naririnig ko pa si MacArtney. Dahan-dahang jog muna, AS na e. Pa-impress muna sa mga nag-aantay ng ikot at gumagawa ng lanterns. Ganda ng roadworks, nakakaaliw sa mata.

Si Andres Bonifacio! Ang a-tapang a-tao - bilis, a-takbo! Sprint like crazy. Do the Forrest dali! Go Forrest! run Forrest run!!! Now, keep your heartbeat steady, kailangan mag over 1500 strides sa pedometer count bago bumaba ang body temperature at pulse.

Dati para lang akong tumatakbo sa kawalan, Sumasabay sa malamig na hangin at lumilipad ang isip. Ngayon, madilim na pero nakikita ko pa ang mga mukha ng kasalubong kong runners. Si mamang kalbo na naka Everlast, si kuya na naka NatGeo jersey, si ate na naka UP centennial jacket, si tatang na naka Runnex shorts, at si…sino kaya siya? Putcha! Nakaboxer shorts yun ah? Diba niya alam na underwear yun? Sino yun? Nakita ko na dati sa may oble yun na nag-wawarm-up at parang may hinahanap na ewan. Dibale na basta, di parin pwede pang takbo ang boxers.

After lunch…

“Miguel, it’s December 8 aren’t you going to hear mass?”
“I’m spiritual but I’m not religious!”
“Sa Makati kami mag-sisimba, do you want anything from there or something?”
“Sabay ako kuya tapos drop me off at ROX”
“Okay…in an hour!”
“Sige, ligo nako”…ang lamig ng tubig.

Ang traffic naman, baka andun na siya. Parang corral ng marathon ang EDSA. Kung kelan gunstart at gusto mong mauna, doon naman nagsisiksikan.

“Pare!!!”
“Uy! Cool yang ballcap mo ah. Underarmour astig!!!”
“My kuya Abel gave it to me when I beat my last PR.”
“San tayo?”
“Sa ROX muna ‘tol, kelangan ko magregister for Condura.”

Palibhasa smoker at manginginom kaya di niya kaya mag-marathon. So official FBfotog ko siya instead.

“Hey! reg po ako for the run.”
Inabot sakin ang kapirasong roadmap, ballpen, tska registration form.

“Ano yung kulay ng mga singlets?”

Walang sagot, so fill up nalang ako ng form habang si Coji ay abala at nagpapacute sa isang chick na “the bomb!” ang dating.
Nilatag sa counter ang singlet tsaka race kits.

“Ay, mali po boss”

Biglaang tila galit at mapanglait na tumingin sakin, 

“Ano ba hinahanap mo?! Ayan na ang racekits, ayan singlet ng 5K…350pesos lahat!”

Naramdaman ni Coji ang biglang pag-init ng paligid at amoy trouble si kulokoy.

“No, what I wanna say is - I’m not running 5K. Half marathon is my hit and if you give me that attitude, here’s your 800pesos… and by the way, I’m a sub40 runner!” medyo mayabang ng konti ang boses ko at pati si “the bomb” ay napatingin sa’kin. Siguro hindi dahil sa gender ko pero di siya makapaniwala that I’m a sub40 runner.

Lumapit ang isa pang mama at lumapit na din sa tabi ko si Coji.

“Sorry po sir, baguhan lang po kasi siya e.”
“It’s okay, I understand”
“Eto po yung singlet niyo”
“Respeto lang ‘tol!” napatingin ulit si “the bomb“, this time siguro hindi dahil sa I’m a sub40 runner but she wants to give me a kiss for keeping my ground. Parang si Mommy every time I get into trouble, she kisses me afterwards.

Headfake!!!

Less than 30minutes lang kami doon and we’re just ‘bout to hit the door when suddenly…warm air from the outside and…

“Uy! Miguel,1885bus dati?!”

Bago tumigil ang tatlumpong minutos, bago ko naramdaman ang mainit na hangin sa labas, ay biglang nagbalik ang bawat sandali ng bawat oras na akala ko‘y lumipas.

Parang marathon pala ang buhay, paikot-ikot at babalik karin where you started and the people you run with will always be the same people you’ll see when you cross that finish line.

And Matt with the warm air; the “tissue” guy from bus1885...is back.



 


Call me Picasso

December 16

Kulay trahedya ang buong bahay sa dami ng poinsettiang nasa paso. Animo’y sumisigaw na patay na si Santa Claus at ipapanganak na si Jesus. Parang silang nangungusap sakin na huwag akong mag-sinungaling sa sarili kapalit ng alay na nalalapit. Pero teka, nung namatay kaya si Santa Klaus poinsettia rin kaya ang nilagay sa ibabaw ng kabaong niya? Di niya siguro paboritong bulaklak ang calla lily tulad ni Mommy.

Araw na naman ng panliglig ng mga ginawing umaga at maagang pinapahiya ng mga parol at palamuti ang nagyayabang na buwan at antoking gabi. At pati ang mga tala, tila may pagtampo narin. Bumaba na ang iba at masayang sumabit sa mga puno at sa mga sarikulay na pag-gayak. Siguro mas masaya ang buhay dito sa lupa, kumapara sa langit. May puto, bibingka tska tsokolate. Siguro pati ang damdamin ay mas angkop na sa lupa muna magsimula bago ito magwakas sa langit. Kayat may katagang abot-langit para sa anumang bagay na sa lupa’y nagmula.
Napaaga akong gumising, hindi para sumabay sa pagkanta ng “Joy to the World” sa simbahan, pero para habulin at unahan ang kislap ng bumabangon na araw. Yun ang bilin sa’kin ni Mommy mula nung bata pa ako na gawin ko lagi sa tanging araw na‘to, kasi pinanganak daw ako bago magbukang-liwayway sa araw ng Martes. Malaya ako ngayon sa paghatid ng mga mababangong bulaklak at ako dapat ang bigyan ng isang bungkos na calla lilies.

Tahimik akong naiwan sa inulilang bahay at kinuha ko agad ang laptop na birthday gift sa’kin ni kuya.

Click!
Welcome
Refresh
Click!
You have 26 new messages
Go to yahoo mail
Inbox
Click!
Opening…

“Hey!
Sabi ni da Vinci eto daw ang mga dapat kong iregalo para sa’yo:

When he stares at your mouth
[kiss him]

When he pushes you or hits you like a dumbass coz he thinks he is stronger than you
[grab him and don’t let him go]

When he curses at you trying to act all tough
[kiss him and tell him you love him]

When he’s quiet
[ask him what’s wrong]

When he ignores you
[give him your attention]

When he pulls away
[pull him back]

When you see him at his worst
[tell him he’s beautiful]

When you see him start crying
[just hold him and don’t say a word]

When you see him walking
[sneak up and hug his waist from behind]

When he’s scared
[protect him]

When he steals your favorite hat
[let him keep it and sleep with it for a night]

When he teases you
[tease him back and make him laugh]

When he doesn’t answer for a long time
[reassure him that everything is okay]

When he looks at you with doubt
[back yourself up]

When he says he likes you
[he really does, more than you could imagine]

When he grabs your hand
[hold his and play with his fingers]

When he tells you a secret
[keep it safe and untold]

-stay on the phone with him even if he’s not saying anything.
-when he’s mad, hug him tight and don’t let him go.
-when he says he’s okay, don’t believe him and talk to him.
-call him at 12am on his birthday and tell him you love him.
-treat him like he’s all that matters to you.
-stay up all nite with him when he’s sick.
-watch his favorite movie or favorite show with him even if you think it’s stupid.
-give him the world.
-let him wear your clothes.
-let him know he’s important.
-kiss him in the pouring rain.
-when he runs up to you crying, all you have to say is
“who’s ass are we kickin’ baby?”
-if you love him, remind him of it everyday.

Happy birthday Picasso!

Your [almost] lovekeeper,
Matt

Wala akong pakialam sa mga katoliko kung Pasko ang tawag nila sa araw na paparating pero para sakin Valentine’s day ito. May lason daw yung bulaklak ni Santa kaya bawal ito sa mga bata. Kaya kutob ko, nilason nito siguro ang Pasko at ginawa niyang Valentine’s day para sa’kin. Nag text agad ako pero walang reply, baka kumakanta ng “Joy to the World”. Ganito pala ang pakiramdam parang lahat kulay de rosa, parang lumulutang sa alapaap, para akong naglalakad sa red carpet sa piling nga mga planeta’t bituin patungo sa walang hanggan.
At ang sarap marinig ang bago kung palayaw na - Picasso.

Before lunch…

Ilang sandali pa’y may tawag sa telepono.“Miguel, it’s for you. Matt daw”
“Happy birthday Picasso!”
“Uy, thanks a lot, I appreciate it. Para kang instik bejo, tanghali kung dumalaw”
“Sira ulo!” sabay tawa si Matt.
“Kita tayo mamaya mga 6:30, treat ko, birthday mo e”
“Gusto ko yan, ‘sawa nako sa puto bumbong e…saan?”
“Sa 154 Maginhawa sa may Teacher’s Vill. Alam mo yun diba? Malapit sa Bayantel.”
“Oo alam ko yun, hanapin ko nalang” nabusog bigla ang tiyan ko ng mga nagliparang paru-paro. Diko alam ang pakiramdam, parang bago lahat sa akin. Parang nag halo ang kaba at galak sa giniginaw kung dibdib. Parang gusto ko tuloy kumanta ng “Joy to the World” pero diko parin maawit ang simoy ng kagalakan.

Ayoko ng may patay na oras kaya mas maaga ako sa sinabi ni Matt. Laking tuwa ko nung nahanap ko ang Van Gogh is Bipolar -  sa malayo para siyang malaking lumang tin can mula Disney na napalibutan ng drawings ng mga cartoon characters. Pero sa malapitan mas lalong nakakatuwa kasi sa tabi ng pintuan nakaupo at nakapanungaw sa piling ng asul na tiboli lights si Matt. Ang linis niyang tignan sa suot niyang pulang shirt. Ang tipid niyang ngumiti parang la Gioconda, tahimik at seryosong tao kasi siya. Inabot niya sakin ang paperbag na may lamang libro,

“…para sayo Picasso.”
“Salamat. Oh boy!…” The Griffin & Sabine Trilogy ni Nick Bantock.

Tuwang tuwa ako. Paano ba? Hahalikan ko ba siya. Asan na si Cupido, hindi ko alam ang dapat na gawin. Inabot ko ang kamay niya at pinisil ko nalang.

Bumulong siya, “Ang cute mo ngayon, kamukha mo si Nadal”. suot ko kasi yung green kung ballcap.

Inakbayan ko siya at mahiyaing buga ng mapanuyo kung hininga sa kanyang leeg.

Isang kubling paraiso para sa akin ang Van Gogh is Bipolar. Lubos akong namangha sa dami ng artworks at artifacts na parang inipong galing kung saan ng mga gypsies. Kakaiba siyang paraiso kumapara sa kung saan galing si Adan at si Eba. Ito ang paraisong bagay saming dalawa ni Matt; para kay Adan at si Adan na paraiso ng bagong panimula. Kung si Jesus Christ ay may last supper, ito naman ang aming first dinner, pero hindi apostoles ang kasalamuha. Kundi sila Van Gogh, si Matisse, si Magritte, si Degas at marami pa - at syempre ako si - Picasso. Ang sarap ng lamb chops at salad greens, puro organic lahat pero mas nabusog ako sa kakatitig sa derosang ngiti ng aking la Gioconda.

Diko alam kung paano sabihin, pero alam na namin na gusto namin ang bawat isa. Heterosexual BS yata yung kailangan meron isa na sasagot ng “Yes”. pero paano yun? Saan mag-uumpisa ang mga katagang “I love you”? Di bale na basta ako, I promise to give more than chocolates and roses. Yun ang paniguro kong panukli kay Matt. Hindi piso o barya-barya, kundi buong buo.

Tamang-tama ang maagang text ni Coji kanina…

“Today, you will start another 365day journey around the sun.” Eto na yun, and I think I will enjoy the ride around the champaigne supernova.

Ngayon, sa gitna’t harap ng lahat, ngayon habang lumaladlad ang panimula. Habang hawak ko ang kamay ni Matt sa liwanag ng tiboli lights. Ang mga mata ko’y kumikislap at umaalab ang gasera ng giniginaw kung dibdib.

Sige sa inyo ng lahat si Lady Gaga, akin lang si Kyle Minogue. Sa inyo ng lahat ang mga tweets at sakin ang random thoughts, sa inyo na lahat ng “like” sa facebook, akin lang ang green dot sa username ni shadowboxer. Sa inyo ng lahat ang bawat saglit, akin lang ang buong sandali. Sa inyo ng lahat si Miguel, pero tanging kay Matt lamang si Picasso.


Frog Prince


Before lunch…

Nahihiya pa si Matt kasi he’s wearing his vestal virgin school uniform…

“Di’ba artista yun sa TV?”
“Yes that’s Bernard, Industrial design yan dito, diyan sila sa studio na malaki sa likod…gumagawa sila ngayon ng toilet bowl.”
“Yan naman si Olga, siya ang Frida Kahlo ng batch namin, kick out yan ng NYU, rich kid na di marunong mag-drawing. Pero hanep sa conceptual art yan, far out kung far out. New York kung New York.”
“Yung katabi niya si kuya Vans, ‘galing VetMed sa college. Siya naman ang living icon dito kasi siya ang pinaka-senior.”
“Saang school?”
“Sa College in Laguna - UPLB.”
“Ang haba ng buhok niya, pero ang dungis niya ha.”
“Ganyan yan lagi, nagbulakbol sa first course niya, tapos nagtrabaho sa sinehan tagapinta ng mga billboards. Doon niya nalaman na may talent pala siya sa arts.”
“Yun naman si Dada, she’s with Amnesty International, hardcore tibak. Kakabalik lang niyan, nag-LOA yan last sem at namundok sa Dolores.”
“Siya ba professor niyo?”
“Hindi sira! Si ate Ingrid yan. Kung si kuya Vans senior, siya naman ang senior citizen ng block namin. Art history major yan, kaya matindi. She’s documenting kasi she will write a book about us for her thesis.”
“Ang tanda na niya.”
“Okay lang yan, ganyan dito kasi may artistic freedom ang mga tao.”

 Walang discrimination, matanda man o bata, bakla o tomboy. Walang pataasan ng ihi, walang ego-tripping, walang nitpicking - lahat equal footing na parang mga paint tubes ng Windsor and Newton sa isang kahon. Warm color ka man o cool color. Kanya kanyang taglay ng matitingkad na chroma, kanya kanyang hue at tint, kanya kanyang karakter, si Olga ang vermillion hue, si kuya Vans ang cobalt blue, si ate Ingrid ang aubergine tint, si Ringo ang burnt sienna, si Coji ang chrome yellow at ako ang venitian red, pero lahat kami, sa isang sisidlang kahon nakasilid.

“Pare!!!”
“O yung kasama mo dati.”
“Halika pakilala kita, siya ang aking brother in art dito.”
“Hey Coji! This is Matt, my friend…Matt, si Coji.”
“Hi pare! Coji - the life of the party. Party animal by night, circus clown by day.”
“Hi Coji, nice to…”
“Tara! CASAA tayo, I’m starving, treat natin si Matt for some spit shake.”
“Sira, Matt is a med-student kaya lagot ka e da-dissect ka niyan.”
“Oh I’m scared!!! Kiss me pare I’m a frog…dyok!”
“Cool yan si Coji, don’t let him bother you. Nagpapa-impress lang yan pero mabait yan” bulong ko sa kanya.

Tanghali na habang tinutugpa namin ang daan patungong CASAA. Kuwentuhang walang patid para makita ni Matt ang malawak na ligayang handog ng campus sa mata: ang lilim ng huklubang anino ng mga acacia, ang kakaibang amoy ng mga damong ligaw, ang mga tuyong daho’t gunita, ang sagitsit at busina ng ikot, ang Vargas museum, ang CAL, ang FC, ang mga tambayan ng mga orgs, ang ASwalk, ang MAIN layb, at higit sa lahat ang luntiang lawak ng Sunken Garden.

“Anong year kana sa med school p’re?”
“Premed palang, BSbio.”
“Dope! You must be really smart, di tulad ni Picasso dito!” pabirong bigkas ni Coji. Wow, bakit alam din ni Coji ang palayaw ko? Nagusap na yata ang dalawa about my nickname o may parallel universe na naman.
“Now seriously, saan kayo nagkakilala? Sa funeraria habang nag-deliver ng bulaklak si Miguel? Dyok!”

Pinagmamasdan, pinakikingan at pinakikiramdaman ko ang usapan ng dalawa habang sumisipol ang mga talahiban at damong ligaw ang aking utak.

“Nagkakilala kami sa bus noon, pauwi siya para sa mommy niya.”
“Ops! Okay…zipped! Drama!”
“Hoy! Bilisan mo!” sigaw ni Coji sa akin.
Umakbay siya tulad ng dati.
“Now Miguel here - is my only brother in art, kaya malakas ‘to sa’kin…so make sure you take care of him.” seryosong sabi kay Matt.

Biglang nagising ang aking damdamin habang nakalatag sa luntiang alpombra ang aking paningin. Parang napawi ang mga agam-agam na nakapatong sa aking dibdib ng mga katagang galing mismo sa bibig ni Coji. Pati si Matt napangiti, sa halip na mabalisa. At biglang nagising ang diwa ng aking bungo at nagtatanong kung si Coji ba si Lancelot - our knight in shining armor, our rock of Gibraltar, our lighthouse of Alexandria and the life of our party?

Bumili lang kami ng baked-mac kasi yun lang ang tanging pagkain sa CASAA na tama ang kulay at mainit ang pagluto. Tska syempre ang walang kamatayang buko shake. Sa sunken kami pumunta para kumain at para makita ni Matt kung paano ang buhay isko. Magkikita sila Coji doon at ang boho babe niyang si Blue.
Malayo pa sa may Vinson’s tanaw na namin si Blue, kasi naka-gypsy skirt at may dalang bayong.

“Hi Miguel, namiss kita puppy!” Sabay beso.
“Hey souljah dude…and hello stranger?”
Yakap at halik sa labi agad si Coji.
“Si Matt…Miguel’s friend from the ER.”
“Hi Matt, I’m Blue, Miguel’s friend and this beast’ girlfriend.” Nguso siya kay Coji.
“Hello Blue.“ Makikipagdaupang-palad sana siya pero inunahan ni Blue ng isa pang beso.
“Huwag mo pansinin yang si Coji, Matt - I guess he missed his shots again kaya ganyan yan.”

Halik ulit si Coji pero this time sa buhok naman. Ang haba ng buhok ni Blue parang buhok ni Godiva. Boho na boho ang dating. She’s a MassCom student, Broad’ major and she writes for kule.

“Miguel where’s my portrait? Nakalipat nako ng bat cave wala parin.”
“Ginagawa ko na, bigay ko sa’yo, soon.”
“Soon monsoon…kelan nung 1998?”
“Basta…”
“Asus, basta wala na? Pupuntahan kita sa bahay niyo. Lalagyan ko ng caterpillars lahat ng mga tinda niyong bulaklak kung walang ang portrait ko doon.”
“Spit shake tayo mga peeps!” sigaw ni Coji
“Ano ka ba dawg…ini-evil ka ba ng dalawang ‘to Matt?”
“Hindi naman…ano ba yung spit shake?”
“Ganito yun pare…” Manghang-mangha si Matt na nakinig sa sinasabi ni Coji at dali-dali’y uminom ng buko shake niyang hawak at akmang ipinasa sa akin. Uminom ako at ipapasa ko sana kay Coji pero binawi Matt at uminom ulit.
“Yeah! You’re doin’ it Matt!” Napabilib ni Matt si Coji all of a sudden.
Si Blue naman, napangiti at kinurot ako sa tagiliran.

Nasilaw ang araw ng mapupusok na sandali at nadaya ang mga oras ng mga minu-minutong aliw. Nabighani pati ang mga diwa sa bagsakan ng mga sumpa. At naroon…malinaw - ang tamis ng buhay at alab ng pagmamahal.


 


Lilac Wine

Ang bawat kisap sa bawat pagkurap ng mga susunod na araw ay parang silangan na busog sa liwanag. Nagtatampo na ang gabi sa baog na paghimbing at pagsasama. Ganito ba talaga ang mga unang yugto ng buhay ng isang bakla? Dati’y sa dilim tuwinang nakakubli upang humiram ng kapirasong panaginip. Ngunit ngayon sa mga mababangong pangarap ay maagang gumigising? Ito ba ang anino ng mga sarikulay na pangarap na hinahanap ko sa likod ng katotohanan. Tila walang patid ang paghawi ng telon para sa mga dulang matatamis sa aking buhay. Si Matt at ang mga sarikulay na tauhan ang palaging tampok.

Isang umagang di inaasahan ngunit inaasam ng marami ay napaagang dumalaw sa musmos na mundo ng sining - si Iliac Diaz at ang kanyang inang si Silvana Ancellotti; visitor sila ng aming art history professor na si Dodo Defeo. Nag-uusap sila sa harap ng isang malaking canvas sa open-air studio sa college.

“There’s a piece you have to see”
“These are good but I’ve seen better”
“But this one is different Silvana”
“I didn’t come here to look for Rothko or Van Gogh. I want someone alive and fresh!”

Binuksan ni Dong, ang college gatekeeper, ang studio na puno ng malalaking canvas at pinapasok ni Mr. Defeo si Silvana sa loob.
Kumislap ang mapanuring mata ni Silvana hindi sa dami ng kanyang nakita. Iisa lang ang kanyang pinagmasdan, dahan dahan at lumapit sa isang nakasandal na canvas na natatangi sa kanyang paningin.

“This one Dodo! This is a stunning piece of work. This is intense. The imagery is terrifying, the brush strokes are perverse and the palette is absolutely orgasmic. I want this piece in my gallery. Who’s the artist?”

Si Dong na palaging nagmimiron sa studio ang biglang sumagot…

“Sir, si Miguel Rivera po may gawa!”

Hindi na pwede ang sigaw ng baklang tila naagawan ng Barbie. Seryoso na ang sikat ng araw na nabibigay ng matingkad na anino. May nakaabang ng baol ng kalungkutan ang pag-ibig, at hindi na pwedeng itong paikotin sa bote ng malamig na beer. Tama na ang horseplay - maging lalaki muna bago maging bakla!

After lunch…

Galing ako sa AS para sa GE at mabilis na patungo sa lobby. Mabilis kong dinampot ang kopya ng kule at deretchong lakad sa direksyon ng opisina ng College Sec. Tila peanut butter jelly sandwich ang aking pakiramdam, parang pinaghalong alat at tamis. Eto na ang isa sa mga pinakahihintay kong pagkakataon.

“Good afternoon Sir, I’m Miguel Rivera.”
“Take your seat and I’ll be with you in a bit.”

Ang ganda ng artwork ni Tony Leano na nakapako sa pader. Parang kulay kamatayan pero yung subject niya kakaiba. Surreal dream na dimo maintindihan, parang death and decay ang tension.

“Galleria Duemila saw your plate and they want it in their gallery, pero kailangan pa nila ng isa pang work for consignment.”
“Yes Sir”
“You’re one of the brightest in the college Mr. Rivera, so don’t make a painting, create a masterpiece.”
“Yes sir, I will sir.”

Sa kalaliman ng gabi ko hinuhugot ang mga nagtatagong likhang isip sa belo ng katahimikan. Kaharap ko ang nakakabulag at maliwanag pa sa araw na canvas, pero sa likod ng aking isipan ay ang ala-ala ng unang gabi namin ni Matt. Pinikit ko ang aking mga mata at hinaplos ang hubad na canvas na tila bumubulong sa akin ang imaheng nagtatago sa likod ng kulay nitso nitong pamalat. At sa aking muling pagdilat ay imahe parin ni Matt ang kumahi’t lumiglig sa aking paningin. Isa-isa at dahan-dahan kong nilabas ang mga pintura mula sa kahon nilang lalagyan. Dinampot ang mga bristle brush at binuksan ang isang bote ng turpentine. Humalimuyak ang buong paligid na parang amoy ng pabango sa balat ni Matt. Una kong dinapot ang cerulean blue at pinisil na tulad ng pagpisil ko sa kanyang mga daliri. Lumapat ang kakaibang kulay ng lapis lazuli. Sumunod ang carmine na kasing-kulay ng mga ngiting ala Gioconda. Parang paligsahan ng kulay ang palette board. Habang tumigil at kinakausap ng aking isipan ang blankong canvas mahiyain namang kumakanta si Nina Simone ng Lilac Wine habang nagtatanggal ako ng saplot na tshirt.

“I lost myself on a cool damp night
Gave myself in that misty light
Was hypnotized by a strange delight
Under a lilac tree…”


Unang hagod ng under-painting ang kulay lila, tumulo itong pababa, pero para sakin: there’s no accident in painting, a color is a color and not a vehicle of emotion. It has its own life and it’s free to create its own form.
Parang nauulinigan ko ang mahinang bulong ni Matt,

“Huwag…”

“I made wine from the lilac tree
Put my heart in it’s recipe
It makes me see what I want to see
And be what I want to be…”


Kinuha ko ang paint tube na chrome yellow at pinahid al fresco sa canvas gamit ang bukal-sigla na palad ng aking kamay. Kinalat at tinapalan ang munting puwang na natitira. Sumunod ay ang flesh tint na pinatong ko sa kulay cerulean. Dahan dahan, unti-unti,  binubuo ang mga imahe. Tulad ng mga marahang galaw at haplos sa hubad na katawan ni Matt.

“When I think more than I want to think
Do things I should never do
I drink much more than I ought to drink
Because it brings me back… you.”


Sa isang maliit na lata hinalo ko ng palette knife ang carmine red at linseed oil. Isang marahang hakbang papa-atras at sinabog ang laman ng lata sa canvas. Tumulo at tumagas na tila naging basag na sapatos ni Dorothy from Oz ang buong canvas.
From dark to light; nagningning ang ruby red, chrome yellow, cerulean, flesh, titanium, cobalt, vermillion, sa ibabaw ng lila. Humalik narin sa lupa ang aking pawis at pabulong akong nagsalita, “I live art” pero sa likod ng aking isipan ay tila ang namamaos na boses ni Matt,

“I love you Picasso…”




Walden

Saan na kaya ako patungo? Abuhan na ang langit, kulay kamatayan na ang buong paligid. Ang tanging pamukaw ng galit ng araw ay ang daang libong sunflowers sa kahabaan ng University Avenue. Nakasablay na kay Oble ang green at maroon. Hubad na ang mga sanga ng mga huklubang acacia. Malutong na ang alpombrang apakan sa sunken…paalam na ba?

After lunch…

“School is almost over pare, what’s your summer plan?”
“Diko pa alam ‘tol, baka sa shop lang ako o kaya uwi sa probinsya…I dunno,I dun‘ve plans”
“I will miss you pare, but I will see you before June right? Tska andiyan naman si Matt, he will keep you busy.”
“Basta ‘tol don’t forget my MoMA shirt ha.”
“Surething pare… tara porda tayo sa Zarah‘s”

Nilakad nalang namin ni Coji ang kahabaan ng Hardin ng Bougainvilleas patungong Krus na Ligas. Tuyo na ang mga talahib malapit sa mga stables at nawala narin ang mga pagala-galang mga tupa.
Maaga ang ngiti at tila unang oras palang ng pagdating ni Manang. Nilapitan kaming basa pa ang dulo ng kanyang buhok sa hapunang ligo bago ito pausukan ng yosi at barbecue. Umupo kami sa aming paboritong lugar sa “timeout’ sulok, dahil maya-maya pa ay abuhan na ang paligid mula sa mga iniihaw na alay.

“I might consider joining that immersion with Dada, gusto ko lang makita kung anong meron doon.”
 “Jesus! Miguel, are you crazy? Kilala mo ba si Dada? Seriously, you’ll get into trouble, I’m telling you.”
“Pero ‘tol, ang buhay ay hindi lang umiikot sa kung saan ka man dalhin ng iyong mga paa o paikutin ng gulong ng dyip. I know there’s something out there that I have to see and experience.”
“There is nothing out there Miguel, it’s just trees and even more trees. It’s the friggin’ forest!”
“I know Coji, it’s the jungle, but people live there; people that folks like you think they don’t exist.”
“Enough of these sudden lightbulb moments Miguel, you are an artist and you have your craft to focus on. What else is there that you wanna see? The city is a big urban jungle by itself and it’s filled with different creatures. Pare, meron pa bang hindi mo nakikita?”

Ayoko ng karaniwan, walang sapat na katotohanan na hanap ko sa pangkaraniwan. Ayoko ng pang araw-araw, walang misteryo ang tuwa at galak na hatid sa aking mga mata. Ayoko ng panaginip, walang dalang makatotohanang pangarap para sa aking damdamin. Ayoko ng maingay, panuldok lamang lagi sa aking diwa. Pero bakit ganun, it’s still strange reality even if you speak the truth? May pagkukunyari ba ang pagiging bakla?

“Gusto kung malaman kung pareho ba ang trato ng mga tao doon sa mga taong katulad ko, I want to see more of me…I don‘t want to be a stranger in my own life.”

Tumigil ang mga mata sa pagkurap at tumikom ang mga bibig sa binulong na katahimikan ng dumaaan na hangin. Ngumatngat sa kanyang dibdib ang sandaling yaon at tila nalason ang isipan.

“Cheers pare!…for art’s sake and for whatever!”

Kinuha ko ang bote ko ng beer at marahan kung dinikit ang dulo at pagkatapos ang bandang leeg ng bote at sabay,

“Your bottom, my top…to whatever!”

Natawa si Coji pero bakas parin sa mga linya ng kanyang bibig ang agam-agam na dulot ng mga huling linya kong binitiwan. Maaga pa sa hapunan ng kami ay naghiwalay,

“You take care of yourself Miguel, I dunwana lose my extra brother”
“I will brother and I will find my Walden pond out there, you‘ll see!”

Mag-isa na akong naglakad papauwi, baon ang pangarap ng isang panibagong araw na bukas sisikat ang kanyang liwanag. Pero marami parin akong tanong sa sarili na pilit kung hinahanapan ng sagot: kailangan bang patunayan ang pagiging isang bakla? Ito ba ay isang beauty competition na kailangan kung lumahok araw-araw? Kailangan ko bang mag-kunyari at magtago sa pahina ng mga fairytales? Do I have to prove myself to anyone?

Ang kumikinang na katotohanan, “Fuck society!”


I Love Fucking ABBA

After lunch…

Sa isang maliit na crash pad sa makitid na kalye sa may Tandang Sora ang napiling lugar para magDG [discussion group] bilang paghahanda. Nagmadali ako pagkatapos ng huling bilin ni Dada. Ni sa hinagap ay wala akong alam kung ano ang aking daratnan at haharapin. Bitbit ang aking doodle book at suot ang mga sarikulay kung mga planeta, buwan at mga tala sa aking braso. Isang desperadong paraan na aking naisipan bilang simbolo ng aking pagiging isang manggagawa ng sining at masayang mantsa ng aking kabaklaan.

“Ang tagal mo“, si Dada sa may kanto na usok buga ang bibig.
“Hinanap ko pa ang lugar e”
“Tara…”

Parang maliit na jewelry box ang silid, nakakatuwa. Beads ang kurtina, ang daming post-its na nakadikit sa isang pistahang dingding, banig ang sapin sa sahig, luhaang kandila sa mga sulok at mga sari-saring nakasabit na alaala mula sa naulilang mga lugar at nakalipas.

“Now look who’s here! Hello puppy!” sabay beso
“Hey Blue!…kasali ka pala dito.”
“Back up kami Miguel, just in case…I‘m proud of you puppy.”
“Coji is leaving tomorrow right?”
“I know, that’s why I’m here.”

Mapayapang nakaupo lahat sa sahig na tila may novenang pinagsasaluhan. Umupo ako sa tabi ni Blue at pinagmasdan ang mga mukhang nagtataka at dumating. Nagsalita si Dada…

“Mga kasama, si Miguel pala. Kaklase ko siya at gusto niyang mamulat sa umiiral na perspektiba ng kanayunan at mag iwan ng tuldok sa lipunang mas higit na malaya ang kamalayan.”
“Miguel…?” kumpas sa’kin.

Hinilamusan ng pagkaligalig ang bawat sulok ng aking mukha. Ano ang aking gagawin? Ilalatag ko ba ang laman ng aking utak o huhubarin ang kulay bahagharing pamalat ng aking pagkatao. Paano ko ipapakilala ang nakakubling imahe ng aking kasarian sa matang ni anino ko‘y ‘di nakikita. Paano…

Binuksan ko ang aking doodle book at sa gitnang pahina bumungad ang isang tula sa balisang mga mata.

“Mga kaibigan, ito’y isang tula na sinulat ni Nucifera na may pamagat na “Brassica rapa”

Hues of China, greens that grin on every sheet of numbered thoughts
Of thin thoughts cocooned in crooners’ voices ,
of vouched voices vetoing others’ vanished sanities
Of thinning sanities trounced not by the pen that bled letters
but by the visage that beckoned beasts.


Cowards all, cowards all armoured in avatars of the finest of the artisans
Artisans all, artisans all chaining chimes that herald the beast in vigilant ploy


graceful butterflies may you grotesque moths be
showing flattering wings of scheming colors
sublime stallions may you sordid hyenas be
galloping with calculated strokes of plotted demeanors


if only for a while redolence you make your prey sniff
Oh a rueful cub ever innocuous, to the insipid stench uprise
I summon thee, I summon thee
wake up to these shrouded revelry!


Numbered are the market stalls
A cornucopia of lemurs, of parakeets,
A Mardi Gras of monkeys
A mecca of the cabbage Chinese!


“Who the fuck is Nucifera?!” biglang putak ng isang mestisohing tila burgis na may dalang uod sa aking ugat.
“Nucifera loves fuckin’ ABBA and fuck you too!” nanginginig kung binulaslas.

Walang minutong pinalipas, binalot ng pagtataka ang katahimikan. Nalagas ang mga plumaheng nakaladlad at naglaglagan ang mga rosas sa bawat titik ng matingkad na pluma ni Nucifera. Nagpalakpakan ang lahat…

“Welcome to the group Miguel!” sigaw ni Dada. At inabot niya sa akin ang isang mallit na baso.
“Paikotin mo na!”
“Ano ito, para saan?” katakatakang bulong ko kay Blue
“Para sa patak-patak yan, you’re new and that’s an honor Miguel.” beso ulit.

Tumayo at lumapit yung mestiso at nilagay ang isang daang papel sa baso. Inabot ang aking kamay at…

“I’m Ugo, nice poem…I love “Thank You for the Music” too.
“You’re welcome Ugo…Miguel ‘tol.”

Parada ng tawanan, diskusyon, inuman, gawaan ng mapa, diskusyon, talunan, kulitan, inuman, kapatiran, at walang humpay na batuhan ng baong sining at panitikan.

At sa likod ng natutulog na araw, minsan sa aking buhay, nag-aantay ang landas na taglay ang kislap ng isang paglalakbay sa mundo ng mga nawawala at nawala. Ngunit sa aking hinaharap, minsan sa aking buhay, alam kung ‘di na ako maliligaw.


G. I. Joe on a Bed of Roses


Sa paglipas ng isang araw ako naghanda ng sarili para sa nalalapit kung pagsungkit ng bagong umaga. Bukas palad para sa dayuhang mga karanasan at bukas isip para sa bagong larawan ng aking kasarian. At sa paghawi ng mga balumbong ulap sana makita ko ang hinahanap kung liwanang na magbibigay sa akin ng aninong maski sa dilim ay matingkad.

“Para sa’yo Picasso.”
“Salamat…ano ito?” at tinapik ko ng pagmamahal sa balikat.
“Survival kit mo yan, baka magalusan ka o masugat.”
“Oh yeah! I need this…thanks Matt.”
“So hindi ka uuwi sa Mom mo?”
“No, aantayin kita dito.”

Before lunch…

Ang halimuyak ng rosas ay nanatili sa mga kamay ng nag-aalay. At dumaan na parang may dalang halimuyak mula sa flower shop si kuya Abel…

“Guys, lunch is ready.”
“Good morning po”
“Good morning Matt…go on now.”

Ewan ko pero, parang halik para sa akin ang pagpisil ng malambot niyang daliri. Ang titig sa kanyang mga ngiti ay parang kuwadro ng panaginip. Tiyak ko na ang pagmamahal ay hindi pumipili ng kasarian dahil sa marahang tibok na sinasabi ng aking dibdib. Alam ko, na sa aking kasarian, mas mahalaga na maging - tao muna bago ang lahat. Tao na marunong umunawa at tao na marunong magmahal.

“Ang ganda naman nito”
“Honeysuckle yan, tumutubo yan tuwing summer sa munting pagitan ng mga batuhang pader…it’s a wild weed.”
“Ayaw ni kuya na walang centerpiece lagi sa dining table kasi yan ang tinuro ni Mommy sa kanya.”
“Ano pala natapos ng kuya mo?”
“My kuya is a business major, he worked with Wells Fargo in SanFo tapos umuwi at nag-graduate school sa AIM. Thesis niya yang flower shop.”
“I see kaya pala…ang galing naman niya”
“He graduated with honors kaya tough act to follow para kay Miguel, the flower boy.”
“Pero mahal na mahal ka niya, pansin ko”
“Oh yeah, I’m his G.I.Joe on a bed of roses.”
“But I love you more than he loves you Picasso.”
“What can I say? Everybody loves Picasso…”

Matamis pa sa dessert at maningning pa sa mga petals ng honeysuckle ang dulceng dala ng boses ni Matt sa tenga ng aking puso at napabulong ako…

“I love you too.”

Hindi Mr. Quickie value meal ang lunch namin. Masayang plato ng lechon kawali, umuusok na kanin at nagniningning na ginisang pechay ang aming pinagsaluhan.

‘Dika ba natatakot sa pupuntahan niyo? Gubat yun e”

I am gay and I am fearless. I am an artist but I am not useless.

“Nakakatakot pero may kasama naman ako, at may healing-art session kami doon para sa mga batang anak ng desiparacidos”
“Pero delikado parin.”
“I draw my strength from fear Matt. Fear is what makes me human.”

Kung ang buhay ay isang proseso. Sa buhay kung pinili ay takot ang una kung naramdaman. Takot sa mga mapaghusgang isipan, takot sa mga mapanuring mga titig at takot sa makamandag na maskara ng aking mga kauri…sa matayog na Ikarus na paglipad ay tanging takot ang nagturo sa akin na muling humalik sa lupang aking kinatatayuan.

“Sino mga kasama mo?”
“Si Blue, si Dada at si Ugo”
“Ah…kumusta na pala si Blue?”
“She’s bluer than blue kasi Coji is leaving today para magbakasyon sa mga folks niya” natawa si Matt sa una kung binangit at napawi ang la Gioconda smile niya at napalitan ng Gremaldi.

“You are not touching your food Matt.” biglang lapit ni kuya
“Oh, I had a late breakfast kanina po”

Nilapag sa tabi ng aking plato ni kuya Gani ang isang maliit na manila envelop na buntis ng pabaong saya.

“Call that number in case you need help, Gen.Espinosa is Dad’s relative.” at ginulo ang aking buhok.
“I will kuya, thank you.”

Tunay na lalaki rin ang nagturo sa akin ng tamang asal ng isang bakla. At sa tunay na lalaki ko rin natutunan ang tunay na aspeto ng aking kasarian - yan ay ang aking kuya Abel.

“Sino naman si Ugo?”
“Oh! Ugo is Dada's friend, tega AIESEC”
“So tatlo lang kayong pupunta?”
“We’ll meet up with another group somewhere…nauna na sila”
“Mag-shota ba si Ugo at si Dada?” pangalawang tanong na tungkol kay Ugo.
“No, Ugo loves  ABBA”
“Oh! I see…”

I am a free soul, I will not stop running, I will not stop looking, I will not stop - until I find that person that I can run wild with.

“…make sure you comeback Picasso”

Ang bakla ay lalaki, pero ang lalaki ay hindi bakla na may dalawang mukha. May puti, may itim. May pumapaibabaw, may sumasailalim. Pero kapag nawala ang isa, ang isa ay tuwinang di mababatid. Mahina man o malakas sila parin ay magkapatid tulad ng mga sandaling paalam para sa maagang pagbabalik.


Deviant

Hilaw pa ang umaga pero gising na si kuya Abel at hawak ang isang tasang kape.

“Good morning Miguel.”
“Good morning kuya, did you sleep? You’re up so early…”
“I’m a light sleeper, go get yourself a cup.”

Isa lang nasa isip ko - ang paglalakbay. Heto na ako liwanag…

“Are you sure about all these Miguel?”
“Dun worry kuya, I’ll be fine. It’s just an immersion and almost everyone in the upper class went thru the same thing so no worries ”
“I know but…”
“And I’m not going there alone, I’m traveling with a bunch of other guys”
“I see…how ‘bout your stuff? Do you have everything you need?”
“Packed and ready to hit the road! I‘m a flash packer!”

…heto nako - LIFE!


Tama lang na may puwang na sigundo sa pagitan ng bawat hininga at may gabing kahati ang bawat araw. Dahil ang tuwinang liwanag ay nakakapaso sa panignin at ang walang humpay na katahimikan ay nakakabingi. Katulad ng mga puwang sa buhay, na hindi dapat hinahanapan ng sagot, bagkos hinahanapan ng lunas upang sa tuwina’y maghilom at hindi tayo palaging nagtatanong.

Hinatid ako ni kuya sa bus station na kung saan kami nila Dada at Ugo ay magkikita.

“Okay Miguel...”
“Thank you kuya…I’ll be okay.”
“…go well!” ginulo ang aking buhok tulad ng dati.

Sa Cubao sa piling ng napaagang umaga, sa estasyon ng Victory liner ako’y mag-isang naghintay, mag-isang nag-iisip kung saang lupalop ako dadalhin ng mapa, at napapaligiran ng mga dumating at darating - mag-isa kung tinanong ang sarili kung alin ba ang nararapat: maniwala sa kasinungalingan na ikaw ay tunay na lalaki o magsinungaling ka sa katotohanang ikaw ay isang bakla?

“Hey Miguel!” bitbit ang guitara at malakang duffle bag.
“Hey Ugo! Dada is not here yet.”
“She’s running late again? Ugh! women…”
“She’s on her way, but she has to pick up something from the drugstore”
“I see, women bleed so they need a fix all the time.”
“Do we have to buy tickets before we get on the bus?”
“Oh yeah? But we have to wait for Dada coz I have no idea where that bitch is taking us.”
“Sa north, we’re going up north, pero hindi ko rin alam exactly kung saan?”
“I guess we are…will rely on the north star I suppose?”

Sa dami ng bituin sa langit, meron nabang isa na tumupad sa iyong pangarap? Ang pag wish ba sa shooting star ay may katuparan o isang musmos na kababalaghan na may kalakip na paniniwala para sa isang taong mangmang sa katotohanan.

“Hey comrades! Pasensya na late ako ng konti”
“Good morning Dada.”
“Gandang umaga Miguel…hey dude!”
“Hey Dada!…lead the way princess!”
“Sa Bolinao bus tayo mga commies, bibili muna tayo ng tickets…alright Miguel! Mukhang rock and roll na tayo.”
“Yes! I’m up anywhere, anytime…so saan tayo?” makulit kung tanong.
“Basta…mamaya na. Andun na sila Blue kahapon pa.”
“Hey ladies and gentlemen, I need to pee”
“Ugh! Just gooo!”

Sabi nila, “it’s all about the journey and not the destination” pero paano kung ayaw mo ng bumalik? Hindi ako turista na palaging bumabalik…ako’y isang manlalakbay na minsan ay naiiwan.

“We are going to Manleluag in Mangatarem, Pangasinan….okay, lez go commies!”

Umupo si Dada sa unang hanay ng silya at sa pagitan ng dalawang hanay kami pinagtabi ni Ugo.

“You’re the artist so you can take the window seat”
“Salamat Ugo.”

Hindi byaheng langit pero byaheng lupa tungo sa lugar kung saan bumabagsak ang mga shooting stars. Siguro sa lugar kung saan totoo ang mga pangarap.

Apat na oras daw ang byahe, apat na oras ng paghihintay ng katuparan.

“I’m sure you dunwana hear this Miguel. I am not bitter, not in the way you think but I don't like you.”
“What are you talking about? Sandali lang…” Sagot ko.
“I know it will not work…you’re vibrant and exciting and fantastically deviant. I just don't want you to waste yourself on some moneyboy, overly-legal adult or whatever - who will water you down and shut you up.”
“Ano ‘to? This is so sudden.” tulala kong sagot.
“I can't really explain my real fear. You’re too close, and being with you right now is too good and also too bad.”
“Oh! I‘m lost. Ano sinasabi mo, hindi ko ‘to alam, but go on I‘m listening.”
“You see, we should have been perfect for each other. You - the ultimate dreamer, something I am never going to be. You’d been, by far, one of the best ever kisser that night. But I know for a fact that I was not one of yours.”
“Yung gabing yun, I dunno…it just happened”
“That’s the problem, we’re more like friends who had become instant-lovers. It’s bound to end in tears anyway. So I think it will be safer for me this way.”
“I’m sorry but I’m already taken…may nagmamahal
na sa akin.”
“And now you know how to hurt me, I also know how to damage you. But I’d rather not be seen to be more of a mad, pathetic bitch. And by the way, the kiss wasn't that good, but the hold on sanity will be far more sweeter I guess.”
“Teka…ano bang mali ko? Are you blaming me for -  just one kiss?
“Sit there and think about what I told you - and wait for redemption that will never come."

Bigla akong nayanig ng mga kamay at…

“Hey Miguel! Wake up…we’re here!”
“Miguel andito na tayo” sigaw ni Dada
“The dude’s dreaming all the way to Neverland ahaha…”
“Huh?!” Nakakabulag ang liwanag…nakakatulala ang realidad.

After lunch…

The only way to learn how to live is to live. And the only way to dream is to dream when you’re awake.




I’m not Paris but - This is the Simple Life

Sa likod namin papalayo ang bus lulan ang mga kaluluwang lupa na patungo sa kung saan. Sa harap ko ay si Bathala at ang kanyang luntiang kaharian. Sa kabila nag-aantay sa ilalim ng araw ang nag-iisang binata sa likod ng malawak na palayan, suson-susong bundok at mga naglangitngitang mga puno. Sa Quiapo ang daming nakakuwadrong larawan na tulad nito, binibintang palamuti para isabit sa likod ng mga ginawing sala set. Pero kaharap ko ngayon - ito na yung katotohanan kung saan galing ang larawan ng mababangong pangarap na iyon.

“Ped!” malakas na sigaw ni Dada.
“Manang!” sagot niyang pabalik na may kalakip na tuwa.

Nagising lahat ng aking pamantayan sa susunod na mga pangyayari, samantalang si Ugo ay balisa at di niya mawari paano iingatan ang kanyang guitarang dala. Sabik lahat ang bawat pulgada ng aking katawan sa mga susunod na mangyayari samantalang si Ugo ay nangangalit sa sobrang liwanag ng araw.

“Tawid tayo mga commies!”
“We just got here guys, can we just rest for awhile, I dunwana see my shadow right now, I badly need a shade.”
“Oh! Ugo Oh! The only way to get to paradise is through the road to hell.” biro ni Dada.
“I’m cool Dada, excited na’ko…tara!”
“Oh shut up Miguel.”
“Come on Ugo, you’re almost in paradise and all you do is complain? You’re soo gay?”
“Oh please Miguel, are you still daydreaming? This is fucking Sahara right here…alright, gimme a minute please.”
“Kanina ka pa Ped…ikaw lang?”
“Oo Manang.”
“Guys this is Ped, siya ang kasama natin…Ped, si Miguel, at yun si Ugo.”
“Magandang umaga po…daan daw kayo doon kay kanaoay [puti] manang, meron siyang ibigay sa iyo.”
“Si Gus?….sige.”

Binaybay namin ang mga makitid na pilapil ng mga hubad na palayan, malakas ang hangin na may dalang kakaibang samyo ng pinaghalong tuyong dayami at putik. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkakaibang dala ng hangin ng polusyon sa Maynila. Ang ingay ng mga humaharurot na dyip sa aking pandinig at ang takot na bumabalot sa bawat hakbang mo sa itim na aspalto. Napawi ang mga nakasanayan ko sa isang iglap.

“Hey Gus! Good morning…howsit goin?” bati ni Dada sa naliligaw na puting Aliman.
“Dada! Good to see you again…”

Si Gus ay isang German national na nagmamay-ari ng isang poultry sa Mangatarem. Contract grower siya ng Magnolia chicken at tuwing may bisitang dumadaan ay nagpapasalubong siya ng sangkatutak na itlog na pampabuenas.

“I see you have new comrades!”
“Yeah, this is Miguel and that almost white dude is Ugo”
“Here, eggs for everybody like usual.”
“Thanks a lot Gus, you’re so generous”

Kinuha ko ang mga itlog at inabot ko ang iba kay Ugo.

Mataas na ang araw pero diko maramdaman ang init dahil sa aliw na dala ng papawirin sa aking mga mata. Para akong nasa malaking landscape painting ni Turner. Ang kapal ng mga amor seco na kumapit sa laylayan ng aking pantalon, naalala ko tuloy si Matt ng isang hapon sa Sunken Garden.

“Bayaan mo Ugo, sa pupuntahan natin may Jollibee sa dulo.”
“Oh crap Dada! I’ll break these eggs before they reach that Jollibee and fry ‘um over easy and imagine they’re Chickenjoys.”
“Kaya mo yan Ugo, remember it’s called immersion so feel it coming dude.”
“Oh I’m feeling it alright Miguel, thanks for the reminder but it’s friggin humid and my mascara is running.”
“Don’t worry guys, matutuwa kayo pag dating natin sa Villacorta. Diba Ped?”
“Opo manang!”

Dalawang oras na, pero malayo pa…

At sa paanan kami ng maliit na burol na may nag-iisang landas patungo sa kung saan may pusod ang tila gubat na lugar. Ang daming puno, halos hindi muna makitang sumisilip ang araw. Umihip saglit ang hangin at naglaglagang parang sanlibo’t limang mga angel ang bulaklak ng mga dipterocarps. Nakakamanghang pagbati.
Kung puno ako siguro ang dami kung sanga, pero ano kaya ang aking bunga? May bunga kaya ang isang punong bakla o puro bulaklak lamang?

“Ate Dada!” isang maliit na paslit ang nakasalambitin sa puno ng aratilis na hitik sa pulaang bunga. Nakakatuwa…
“Balong! Baba ka diyan, baka mahulog ka…guys, this is it - welcome to paradise.”

Parang kubling kalikasan ang lugar, puno ng buhay at pangarap, puno ng saya at halakhak na tanging langit lamang ang tuwinang yumayakap. Di na matapos ang tuwang dala sa aking mga mata ng mga dinanaang papawirin at heto pa ang lugar ng mga angel sa lupa. Ang lugar kung saan sumabog ang kulay na dala ng mga shooting stars.

“Hey puppy! You made it!” si Blue na nakahiga sa duyan sa ilalim ng puno ng kasoy. Blue sa piling ng mga dilaw na bunga.
“Blue! Sa wakas andito na kami!”
“Somebody get these eggs please before I break ‘um.”
“Hey Ugo! How’s your trip?”
“Hey Blue! The trip was long and it’s okay but the trek is longer and it’s like 500 and one days of summer out there. I think I need radical chemotherapy right now coz the ultraviolet rays just gave me a gay carcinoma!”

Ang simple ng buhay dito, tila ang bagal ng oras, tila natutulog ang panahon. Kahoy ang may dala ng apoy, sa lupa umaagos ang tubig, sa puno nakalambitin ang mga tuwa, langit ang may dala ng ligaya at sikat ng araw ang pangliglig ng diwa.

“Manang Karen! Wadya cami lamet! [andito na kami uli]”
“Dada! Kumusta cala aguing [kapatid].” tinigil ang pagsasampay ng labada sa ilalim ng araw.
“Si Miguel pala, at si Ugo”
Uy! Miguel…Ugo…ako si Manang Karen niyo, ang nanay dito. Akin na Ugo yang mga itlog…galing kayo kay Gus?”
“Opo, thank you...”
“Oh Ugo! Lookit! Umuusok na tinolang manok! Sabi ko sa’yo may Jollibee dito e.”
Yeah Ugo! It’s not a value meal from Philcoa, dito lang ang Jollibee branch na available ang tinola” sagot ni Blue.
“Ang ganda pala dito...mistulang paraiso.”
“Sayang Miguel, dimo kasama si Coji.”
“I know, ang saya sana.”

Umupo ako sa isang papag sa tabi ng duyan kung saan nakahimlay si Blue. Tumabi si Ugo para ilapag ang kanyang guitara sa tabi.

“I thought in paradise they grow apples?”
“Cmon Ugo, drop the bitch gay talk. You will like it here, you’ll see…”
“I’m loving that smell of tinola actually, I was up too early and skipped my supermodel breakfast. Well, except for a guy here who’s prolly stuffed and daydreaming the entire trip ahaha.”
“I am not!”
“You did too! By the way, what were you daydreaming about flower boy?”
“Hindi ko maalala…”
“Miguel is a from a dreamland full of flowers and he only remembers the scent Ugo.” pikit-matang bigkas ni Blue.

Kailangan bang ipunin ang panaginip para mabuo ang mga pangarap o mas magandang mangarap lang at ito’y matutupad.

At sa lilim ng cuaresma sa ilalim ng magka-akbay na puno ng kasoy at kamatsile ay naisipan kung mag-ipon ng mga larawan ng pangarap sa aking baong doodle book.

“Ano yang ginagawa mo kuya?” tanong ni Balong
“Nagdudrawing ako ng larawan”
“Ano yung drawing?”
“Ang drawing ay isang art, yun yung paglikha ng mga larawan o bagay mula sa iyong paligid gamit ang iyong mata, isip, kamay at puso”
“Ano yung art kuya?”
“Ito, yung ginagawa ko ngayon.”

Pumilas ako ng isang pahina at binigay ko kay Balong kasama ang isang pirasong colored charcoal. Natuwa na nagtaka ang bata…

“Ayan, mag-drawing tayong dalawa, ako yung mga puno. Ikaw yung langit, yung may lumilipad na eroplano.”
“Ang ganda kuya, gusto ko ng drawing at art, ayaw ko na ng baril-barilan.”

Cavatina ang musmos na haranang handog ni Ugo para sa lahat. Parang ang layo ng tunog, parang uyayi na galing sa malayong lugar para sa tinanghaling tanghalian. Parang mariachi na galing langit na sinasayawan ng umuusok na sabaw ng tinolang manok at namumutlang kanin sa papag.

“Bravo!” sigaw ni Blue
“Yeah! Gimme that chicken now, I need to grow wings like a Victoria Secret’s angel so I can fly next time I come over. I hate the bus!” pagkatapos niyang nilapag ang kanyang instrumento.
“That was heavenly, so dreamy Ugo.”
“Thanks Miguel, you‘re a darling.”

Simpleng buhay, simpleng pangangailangan. Wala halong kalansing na galing sa bulsa. Bakubak [murang saha ng saging] ang nagsilbing plato, gamit ang kamay at isang tabo ng tubig na hugasan. Masayang tanghalian ng isang pamilyang hiram ang bawat relasyon.

“Ang sarap nito manang, ngayon lang ako natikim ng tinola na may manibalang na papaya”
“Naku Miguel, walang sayote kasi dito…kain lang ng kain, marami pa yan” sagot ni manang Karen.
“Ugo, kanina dalawang manok yan lahat a, parang isa nalang iniwan mo sa amin?” biro ni Dada
“Honey, I can eat the world right now!”

Ang dessert ay hiniwang bunga ng kasoy na binudburan ng asin.

“I didn’t know that cashew comes with a fleshy thing like that.” sagot ni Ugo
“Ugo darling, cashew is a fruit…cashew naman ikaw puro almonds ang alam mo e” biro ni Blue
“Burgis yan e, kaya hubaran yan mamaya sa sapa at tanggalin lahat ng saplot pang-mayaman.” sigaw ni Dada

Ang saya ng tanghalian namin, kasama ang lahat. Ang takaw pala ni Ugo, anak ng desiparacedos pala si Balong, paborito pala ni Blue ang puwet ng manok, halos magkasing-edad pala kami ni Ped, konti lang pala kung kumain ng kanin ni Dada at ang bait ni manang Karen, parang si Mommy.

Sana ganito lagi ang buhay bading, yung payapa lang - walang tarayan, walang pagandahan, at walang komplikasyon.

My take on the gay life is anything but flamboyant. You can call it boring but I call it - simple.

Oo, walang simple sa kabaklaan. Pero alam ko, mayroong simpleng tao.

A simple life that doesn’t advocate hate and discrimination. A simple life that can be lived by simply being - gay.



 


My Huckleberry Friend


It’s an overwhelming sense of connection…a whole new different reality and sometimes we just have let the truth go by itself and enjoy our gay story.

After lunch…

Ang sarap ng pakiramdam, bawat sandali ay busog ng kasayahan - puno ng mga kuwentong buhay na sana’y walang katapusan. Habang si Balong ay abalang nanghuhuli ng tutubi, si Dada naman ay usok- buga sa may duyan. Si manang Karen, itinuloy ang masayang pagsasampay. Si Ped ay saglit na sinundo ang mga kasama. At kami,  tatlong nagsiksikan sa papag sa ilalim ng mga arkong kasoy na parang mga angkan ni Juan Tamad, nag-aantay ng pagbagsak ng hinog na bunga.

“Siguro namimiss ka na ni Matt, Miguel.”
“Malamang…”
“So this Matt guy is someone special, Miguel?” tanong ni Ugo.
“Yes…”
“Pero pansin ko parang hindi ka yata proud sa relationship mo with Matt noong nagchat tayo?”
“I am proud Blue, I just don’t wanna be like someone virtual who hangs his intimate details on the internet clothesline…hindi naman ako ganun e.”
“Meaning?”
“You know, like - it’s okay to kiss and tell when you’re younger but I think when you’re mature enough, it’s fitting to shield a relationship of the heart and soul. I don‘t wanna turn our relationship into gay.com and invite third parties tulad ng iba - sacred sakin yun e.”

Mali bang ikubli ang relasyon ng isang lalaki sa lalaki? Kasi dahil ba bawal ito sa pagtingin ng nakararami o dapat lang na ang para sa isa’t isa ay nararapat na para sa kanila lamang. Kailan ba magiging tamang magmahal ang isang bakla sa kapwa niya lalaki?

“So you mean gay love is not right and you have to hide it?”
“No, it’s not a question whether it‘s wrong or right. But it’s a matter of how far you can go with your feelings. I am not denying my homo-ness though, kaya lang alam ko na wala naman kasing absolute sa buhay diba?”
“Pero Miguel, kung love yan baket ka nagseset ng boundaries, dapat walang limits…you let it flow puppy.”
“I don’t want to sound agnostic but only a dead fish go with the flow Blue…tsaka alam ko, that men - fall harder in love.”

Mapusyaw ang nakakaantok na liwanag ng hapon. Malamlam at gustong pumikit sa saliw ng mahinang tunog ng kawayang batingaw sa marahang haplos ng hangin. Ilang sandali pa’y sinagot ng katahimikan ang mga puno’t dulo ng nagtatanong na hapon.

Ped! Gisingin mo na yang mga yan, dalhin natin sila sa batis.” utos ni Ringo

“Kuya Miguel! Kuya! Gising ka na mayroon akong ipapakita sayo!” malakas na boses ni Balong.
“Ano yun Balong?”
“Eto o, palecpec [bleeding heart dove] yan. Alaga ko siya kasi dumudugo ang puso niya.”
“Paano siya gagaling kung nakakulong siya?”
“Pag tahimik na at wala ng dugo ‘saka ko siya pakakawalan doon sa batis.”

Akala ko umaga na. Araw-araw na nakasanayan ang pag-gising sa umaga, pero dito parang kabaliktaran lahat sa nakagisnan. Minsan ang araw ay ang bilog na buwan at minsan ang tanghali ay hating-gabi. This is a reminder of my future self and it is time to leave behind my shadow self…

“Where are we going?”
“To the the batis!”
“Really?! I love sugar apples. Lez go!”
“Sa creek sira, hindi mamimitas ng atis.” sagot ni Dada.

Walang katapusang misteryo sa tuwa ang aming namamalasan, walang humpay na mga surpresang dala ng kalikasan ang ngayon ko lang naramadaman. Pira-pirasong paraiso handog para kay Adan at Adan, at si Eba at Eba.

Nature at its best; freedom at its finest…

“Wow Miguel, you are one beautiful creature!”
“Why, ngayon ka lang nakakita ng hubad na lalaki Ugo?”
“Pucha Miguel, akala ko kaklase kita noon pa? Pero parang ngayon ko lang nakita, pwede ka palang porn star ahaha.” birong sigaw ni Dada
Oh I‘m not surprised… I have seen him and Coji naked!” sabi naman ni Blue
“Ano ba kayo, para kayong mga asong ulol. Diba Balong?”
“Don’t come near me, you guys or I‘ll do an Ophelia!”

Inaantok na ang hapon ng kami ay umahon at ang araw ay dahan dahang nagbelo ng luksa…

Moon river wider than I mile
I’m crossing you in style someday
Oh dream maker, you heart breaker
Wherever you’re going, I’m going your way.


Inawit ni Ugo lahat ng panaginip para sa gabing yun. Lahat ng aking nagisnan, sapagkat may pag-asa, sapagkat may ala-ala, at sana may umaga sapagkat may mga nalalabing sandali.

We’re after the same rainbow’s end -
Waiting ‘round the bend
My huckleberry friend
Moon river and me.

“I love that song Ugo, ngayon lang kita narinig na kumanta.” habang kaming dalawa nalang ang gising sa papag kapiling ng bilog na buwan.
“Can I have a kiss Miguel? I know it’s pretty bold but think I deserve it.” mahina niyang bigkas.

Nalasing ako ng kanyang tinig, parang kerubin na may dalang balita galing langit.

“You know a kiss is just kiss, if it‘s not from the one you love.”

Nalulumbay ang aking panagimpan sa bawat titik at salitang nakabalot sa kanyang inawit.

“Lumapit ka sa akin…and close your eyes.”

Nangungulila ang aking mga labi sa dampi ng mga halik…nagaabang…nanabik…

“I can’t…I just can‘t.”

Saglit ang ipinalit…

“Oh you just broke my heart Miguel. A knight in shining armour waving a crusading flag, fighting for the cause of free-spiritedness and romance. And you dunwana kiss me coz you are in love? You’ll always be my desire Miguel.”

Marahil meron mga bakla ang mahirap mahalin ng iba sa kadahilanang sila ay mahirap magmahal ng iisa. I’ve had my tiny taste of this life but I’m not going to end up a chalked up gay guy just like the rest. And I’m glad I’m not one of them.

“Salamat Ugo.”

I’ve been a wide-eyed spectator before I was embraced by truth that I am gay. I was always outside looking in so I know what’s going on beyond the gates of the pink light. I will make sure that I bask in sunshine and not under the lights of a disco ball. I will not cater to creep desires and futile one-night-stands. I’m not going to be a Queen of games of nonchalance. Maraming ng bakla ang mahirap ng makinig dahil nabingi na sa sarili nilang mga halakhak, mahirap narin silang makakita ng liwanag dahil nasanay na sa patay sinding ilaw ng aliw at marami naring manhid ang pakiramdam dahil nalason na ng baluktot na paniniwala ang kanilang baog na isipan. Katulad ko man sila pero minsan ayokong mapabilang sa mga anino sa dilim.

The chorus of insects, animals and stillness, I keep my mouth shut and listen to the only sound that matters at night - the sound of mystery.

Hanggang sa nagising ang gabi sa taghoy ng batingaw, hudyat ng bangongot na paparating. Nabalisa ang katahimikan at kumaripas ang mga yapak sa kaluskos na papalapit.


Armado ng mga bakal na pamatay, nagambala ang paligid at napalitan ng sampong minutong takot . Pagmulat ng mata ni Miguel ay siyang pagpikit ng gatilyo. Bumalik ang mga riles ng alalang kay bilis, si Matt sa Van Gogh is Bipolar, si Coji sa Sunken Garden, si kuya Abel sa counter ng Perfumed Garden, si Blue sa may Vinson’s, si Dada at si Ugo sa Cubao at ang pinaka-huling alaala ay ang halimuyak ng pulbura, ang kislot ng nikel na pangil ng katotohanan, ang musmos na pag-limos ng buhay ni Balong at ang mga kulay alkitrang larawan sa pahina ng bitbit na doodle book.

“Comeback Picasso…”

Ang mga tumakas na anino ay walang awang iniwang agaw buhay ang mga bulaklak ng umaga. At sa kahabaan ng NLEX lulan ng isang sasakyan ay mabilis na hinahabol at inuunahan ang kislap ng may dugong liwanag.

Mahinang siyang nagsalita, “…kuya Abel.”
“Don’t speak…don’t speak Miguel.”

Don’t speak unless you can improve the silence.





Type O


Change will never happen without tears…

Before lunch…

Nagtataka si Matt baket wala man lang “good morning” text mula kay Miguel. Nagtext siya at walang sumagot. Tinawagan pero out of reach ang telepono. Ilang sandali pa’y tumunog ang telepono niya, si Kuya Abel tumatawag.

“Hello Matt! I’m sorry, I guess you don’t know yet. But something came up and Miguel is in the hospital. They were ambushed, he got hit pretty badly.”

Lumubog ang araw sa oras ng tanghalian para kay Matt.

Type O si Matt kaya siya ang naging blood donor para kay Miguel. Sa loob ng ICU nakasilid si Miguel na tanging daloy ng buhay sa mga sandaling yun ay sa mga kable at guma na may huning sakdal lungkot. Parang amoy simbahan ang paligid sa dulaang katahimikan na dala ng tadhana.

“Flatline!”

Gustong tumayo ni kuya Abel pero tila inuod ang mga buto ng kanyang paa. Takbo si Matt sa deriksyon na kung saan pumasok ang mga doctor. Sinarado ang magkapatid na kulay asul na pinto. Hinatak ang mga kurtina. Mabilis na paparating ang dalawang nurse na armado mga gamit para sa nauupos na liwanag. Bumilis ang takbo ng oras; bumagal ang mga ngiti, bumilis ang daloy ng mga dugo; namugto ang pagkamulat,  bumilis ang tibok ng mga puso pero - hindi nawalan si Picasso ng kulay ngunit naubusan siya ng malalim na hininga.

“Why?!!!”

Why can we never do anything at the most important moments.


Paalam na…

“1885!!!”
“Tandaan po natin ang numero ng bus, tatlumpong minuto lang po ang estasyon.”

Parang siyang binagsakan ng abuhang langit, ang kanyang mga mata ay nagtatago sa sulok ng kalungkutan. Di mapigil ang pag-iyak habang nakatigil ang bus. Giniginaw sa tag-araw ang nanginginig niyang dibdib.

“Baket po Mam?” tanong ng binatilyong nakapulang t-shirt.

Di siya makapagsalita, di niya lubhang makita ang mga larawan at mukha sa kanyang basang paningin, di niya maibuka ang kanyang mga bibig.

“Ito po, tissue baka kailangan niyo po”

Tuloy parin ang mala-rosaryong luha. Bumaba ang binata dahil may natitira pang kinse minutos. Tuloy parin ang pagluha. Pagbalik ay…

“Okay lang po kayo?” sabay yumakap ang binatilyo sa umiiyak na matanda. Sa init ng mga yakap at isinanlang alaala ang siyang nagbigay ng lakas para magsalita.
“Kamukha mo kasi yung aking binatilyong anak kung ngumiti at paborito niyang kulay ang pula.” at umiyak siyang tila nawalan ng nag-iisang tala sa langit.

It only lasted for a short time but the impression it made was indelible.

Diba’t tayo’y narito
Upang maging Malaya
At upang palayain
Ang iba
Akoy walang hinihiling
Ikay tila ganoon din
Sadya’y biglang laya
Ang isa’t -isa


Pagod na gumising si Matt, sa serpentinang sinag ng namulaklak na umaga, kulay abo ang paligid at yumakap siyang mahigpit… humalik…kasabay ng la Gioconda niyang pag-ngiti…

“Good morning Picasso.”

Ang bawat simula ay
Siya ring katapusan
May patutunguhan ba
Ang ating pagsinta
Sa biglang tingin
Kita’y walang kinabukasan
Subalit di malupig
Ang pag-asa


We often wonder if perhaps our actions might really have had more to do with our desire to keep something to ourselves. It’s a strange reality, this life - the gay life.

Ayan na muli ang mga langay-langayan, hindi dahil sa giniginaw nilang nilisan ngunit dahil bilang gunita ng mga ala-alang lumipas at naubos na panahon.

At sa isang dako na kung saan dati’y minsan umupong nag-aantay si Miguel sa ilalim ng mga naglalagas na firetrees ay napatigil si Coji. Tumingala sa langit at pinikit ang mga mata na animo’y nagaantay ng mga mumunting bulaklak at umaasang may babagsak na ulilang pulaang halik.

Mahinang siyang bumulong, “I love you Miguel.”

Kapirasong pangarap na kailan man ay hindi na matutupad…wala na ang mga shooting stars. Napabuntong hininga na lang at unti -unting naglakad papalayo sa direksyon ng Bartlett Hall na kung saan datirati’y hindi niya mag-isang tinatahak. At sa di kalayuan ay nagaantay si Blue na nakapulang gypsy skirt at bit bit ang kanyang bayong.

…and eventually, the ones who deserve your tears will never make you cry.

Ang pag ibig natin
ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo,
papalapit parin ang puso
Kahit na magkahiwalay
tayo’y magkasama
Sa magkabilang dulo
ng mundo…


Wednesday, June 6, 2012

tempered ( oil on canvas )

*private collection


    Yes, artists have problems too. We’re just ordinary creators who encounter problems that may appear strange to extraordinary people. Today my problem is how to cope with an almost dried up jar of cerulean. I don’t want to throw it away just like that because it is my favorite color. And this leads to the real problem which is to find a way to make it work. I know there must be some solvent or retarder out there that you can mix and make the pigment come alive again. Earlier I tried the most abundant and universal solvent of all which is tap water but unfortunately it’s not strong enough to awaken the pigment from its poisoned sleep. Now I don’t know what to do? I have to come up with a solution because imported pigments are very expensive and throwing it away is not a good idea especially in a third world country where fine art is almost exclusively for the rich and high art can only be seen in the city thus making it a digestible elitist cliché. It’s a great pity and oddly enough, in this age of computer graphics if you go out there in the rural areas fine art is as rare as water in Sahara. I know art appreciation doesn’t come out naturally; it’s an acquired taste like music and literature. And like this hardened jar of paint, you have to work at it. But hey, I think I have an idea? Maybe hot water will do the trick! Same way it melts sugar and coffee together in a cup.
 
     So here’s he drill: You boil…you wait…and you pour. Patience is key, then you have to wait some more ‘til you see the pigment slowly melting like an iceberg under a big hole in the ozone layer. Steam rises gracefully out of the jar just like a freshly brewed coffee which makes me want to look into it and smell,  hoping it has an aroma of retribution or something that will give me some sort of rush to start the day. Then after a few sec - Bingo! A perfectly tempered paint and thanks to hot water my cerulean is fluid again like a big blue in a happy jar.

     I know my problem is not something major and extraordinary people would laugh about this kind of thing but please don’t ever call it weird.                 

Friday, June 1, 2012

realized ( acrylic painting on canvas )

*negotiable
     At times, I plan my paintings to come out perfect but in the process I tend to forget what kind of artist I truly am. Until I realized that imperfections make a picture magical, whimsical and inspiring. So every time I approach a blank canvas, I let myself be nimble and flexible. I apply my paints in bold strokes and allow accidents to happen. Layers over layers over layers, I don’t fret or manage my strokes because I know the outcome will take care of itself. I always insist on enjoying what I do; what I am doing at present - the right now. The smell of paint, colors, brushes, music, and sweat helps me outline my vision and enjoy my beautiful now.